Pinoy Tayo Message Board
PAKIBASA PO!!! Reply | Post New Topic | View All Topics 
Sa mga nagjoin po na hindi pa ako na-add sa list nila:

= PAKI-ADD PO MUNA AKO =


Ito po ay para makita ko ang mga mensahe na ipinaskil ninyo sa NOTICE BOARD.

Para sa ikalalago ng ating samahan, panatilihin po nating maging AKTIBO sa PINOY TAYO, sa pamamagitan ng pag-post sa NOTICE BOARD ng mga bagay na tungkol sa ating samahan kasama na ang URL natin :

http://clubs.yuwie.com/angpinoy

Humihiling po ako sa lahat ng miyembro na mag-invite ng mga kaibigang pinoy sa inyong FRIENDS LIST. Gawin nyo po ito sa paraang:

1. Paggamit ng INVITE A FRIEND button dito sa Page ng club o i-klik ang nasa ibaba:

INVITE A FRIEND TO PINOY TAYO NOW!!!

2. Pagpadala sa kanya ng mensahe sa kanilang INBOX.

Malaki po ang maitutulong natin sa paglaki ng ating samahan.

Maraming salamat po!


11/17/2007 11:17:04 PMReply | Quote | Spam
Salamat cez at Ba.
11/18/2007 3:33:07 AMReply | Quote | Spam
Your Link Here
kamusta po? refferal po ako ni joric. pede nyo po ba ako ilagay sa mga bagong meyembro? slamat po
11/20/2007 6:13:00 AMReply | Quote | Spam
ang saya saya ng grupong ito!! mbuhay mga kapinoy!!
11/21/2007 9:57:58 PMReply | Quote | Spam
I'll do it too, just tell me how..
12/4/2007 6:27:04 PMReply | Quote | Spam
dont worry bro nag popost naman kami everyday sa noticeboard eh.

d gaya nang iba dyan they join the club and claim they support filipino citizens yet dto pa lang ayaw na makipag cooperate. nakakalimutan ata nila obligation nila sa club na ito.
^_^
12/4/2007 6:43:50 PMReply | Quote | Spam
Don't criticize members here.. just do your job and leave everybody alone.
12/4/2007 7:22:59 PMReply | Quote | Spam
aw tinamaan ba? sana umilag ka. hahahaha.

remind lang kita sis.

[Quote]
1. Kailangan pong maging aktibo kayo sa samahan at suportahan ito.
2. Kailangan pong magpaskil ng mensahe/pabatid sa Notice Board isang beses sa isang araw.
3. Kailangan pong maipaskil dito ang katunayan na kayo ay nagpaskil ng mensahe.
4. Kung hindi po kayo makakatupad, mawawala po kayo sa listahan ng mga pangalan.
5. Kailangan pong TAGALOG (o iba pang wikang PINOY) ang salitang gamitin sa pagpaskil ng mga tugon dito.
6. Ipinagbabawal ang pagtanggi sa imbitasyon, ang mapatunayang tumanggi sa imbitasyon ay agarang matatanggal sa listahan ng mga pangalan.

Kung sa tingin nyo po ay hindi kayo makakatupad sa mga nabanggit, huwag na po kayong sumali sa samahan. At kung desidido po kayong sumali at magkaroon ng mas maraming kaibigang pinoy dito sa Yuwie, kailangan ko po ng mga sumusunod:
[Quote]

yan ang sabi ni MARC.

simple lang naman ang hinihingi ni mark sa atin dba?

im doing my job for the benefit of the club how about you? you think big yet you cant see small things.

PEACE!!
12/4/2007 9:16:03 PMReply | Quote | Spam
Marc.. kung natatandaan mo pa yung sinabi ko nung mag sign up ako dito paki sagot mo nga itong issue ni Esmeraldo. Kawawa naman itong mama eh, gustong makaganti sa kahit na anong paraan.
12/4/2007 11:25:59 PMReply | Quote | Spam
wow rason. tsk tsk tsk. simpleng simple na lang eh may rason pa. kawawa naman yung iba na nag paparticipate dba?

may panahon ka sa debate pero for a simple notice d kaya? ouch!!!!

[QUOTE]
"Kung sa tingin nyo po ay hindi kayo makakatupad sa mga nabanggit, huwag na po kayong sumali sa samahan. At kung desidido po kayong sumali at magkaroon ng mas maraming kaibigang pinoy dito sa Yuwie, kailangan ko po ng mga sumusunod"
[QUOTE]

--malinaw kc pag kakabasa at pagkakaintindi ko dto eh. ^_^

cge po BOSS d na po ako aangal.

excuse po BOSS ha!!!! ^_^

PEACE po BOSS ha!!!
12/5/2007 12:19:40 AMReply | Quote | Spam
Hanggang dito ba naman. ha ha ha.

Nakatulong ka nga sa grupo, pero nang-aaway ka naman ng member di wala din silbi yong ginagawa mo. Dapat nga dahil tumutulong ka mapaunlad ang grupo dapat maging dahilan ka din para mag-kaisa ang lahat.

Yan naman ay payo lamang kaibigan, wag mo masyadong personalin ang mga discusyon sa mga ganitong lugar, if you don't want to have a healthy discussion/debate here, you'll just defeating the purpose of this place.

Step back and look at a thing from a detach point of view and you will see the proper perspective.

12/5/2007 4:15:15 AMReply | Quote | Spam
Your Link Here
hehehehe

d naman ako nang aaway bro ^_^

namimis ko lang sya yun lang ^_^

cute kc sya pag naasar ^_^

ok. ok. this where i stop debating with her ^_^. and make peace and love ^_^.

Marc, paki post na lang yung cnabi nya about it. para wala pong maghabol sa kanya. thank you po!

Peace po ulit ^_^
12/5/2007 6:13:52 AMReply | Quote | Spam
oi nag salita ang magaling ^_^. bkt related ka ba kay Albert Einstien? and besides your way off topic for your reason. mag basa ka muna bago mag post. Ganyan na ba ang matatalino ngayon who has an IQ of 4 digits ^_^? IT SHOWS SA LOGIC SA MGA SAGOT! - yhea i truly believe in this one. too bad your talking to your self (right back at you girl)^_^.
pa challenge, challenge ka pa dyan wala ka naman sa extra-challenge ^_^.

Tinamaan ka rin ba? Bato bato sa langit ang tinamaan may bukol hehehe!

last post ko na rin dto nakakahiya kay Marc(sorry bro pati tong topic mo nag flame. very, very sorry).

I'll let Marc decide para sa kaso nyo.

nakakahiya naman kc kay cez, Ba a.k.a Add..., jojo, Nenita, jhoy fhull, at sa ibang member na sumusunod sa patakaran especially kay Marc(Who is our club leader yet does what it suppose to be done for the club)

PEACE PO!!!!
12/5/2007 8:24:21 AMReply | Quote | Spam
Sabi ko nga sayo pre, tingnan mo sa mas malawak na paraan yong sinasabi mong silbi mo dito sa grupo.

I also don't post on the notice board, as of this posting we already have 302 member, but if you count the people who are active they are only close to a 10% in number, see my point, kahit maginvite ka dito ng 1000 tao kung di rin naman magiging active, nagsasayang ka lang ng pagod, ako di man ako nagiivinte (i'll leave that to you) but i make sure that i visit this club once or twice a day, yon ba naman ay di pa sapat para sayo?

Siguro nga kanya kanya tayo ng paraan kung paano makakatulong sa grupo, kung sa tingin mo yon ang paraan mo para makatulong sana naman wag mong isipin na dahil di kami nagpopost sa notice board e wala na kaming silbi.

Dati sa bahay namin wala din akong silbi. he he he. pero ngayon marunong na akong magluto. yeheey.
12/5/2007 11:05:57 PMReply | Quote | Spam
Pasensya po mga kasama, medyo nawawala ako sa eksena. Medyo busy lang talaga.

Sana po iwasan natin ang mga "away" dito. Nandito tayo para magkaisa. Kagaya ng nasabi ko, ayos lang po ang mga healthy discussions.

Tama si Erwin na may iba iba tayong paraan ng pagsuporta sa grupo natin. Noong una ay gusto ko sana na mga aktibong miyembro ang sumali pero sa nakikita ko at ito ang totoong nangyayari kahit saang club, hindi talaga lahat magiging active. Sa ngayon, mas importante na sa akin at sa club na ito ang "bonding" ng mga PINOY. May mga babaguhin po ako sa rules as soon as makaluwag ako sa schedule ko, may mga nakausap din akong mga PINOY friends na hindi sumali kasi nga medyo mahirap yung mga nakalagay sa rules.

Esmeraldo, Juliefaye, Cindy, Erwin at iba pang super active sa samahan, nagpapasalamat ako sa inyo sa suporta nyo. Sana magkaayos na tayo kung meron man tayong hindi pagkakaunawaan.

Mabuhay tayong mga PINOY! =)

12/5/2007 11:47:56 PMReply | Quote | Spam
all things done....

I choose color blue
for the name "Aylon"

salamat po ng marami
12/7/2007 11:58:05 PMReply | Quote | Spam
ok mag aadd pa ako ng ibang friends
12/9/2007 10:02:32 AMReply | Quote | Spam
wag kasi nating paghanapan ng share ang iba me kanya kanya tayong pamamaraan at yung nagawa natin ay huwag nating asahan na gagawin din ng iba. Dun kasi nagsisimula ang hindi pagkakaintindihan yung nagbibilangan ng "gawaing bahay".

Tama c juliefaye at iningles nya yung sinabi nya kasi pag tinagalog nya yun masakit pakinggan he he he... at buti na lang hindi na sya bunalik pa dito at pumatol he he he uli...
12/11/2007 3:34:48 AMReply | Quote | Spam
Hi sa lahat na PINOY!
gusto ko pula.=)
12/28/2007 3:29:15 AMReply | Quote | Spam
hi mga friends ngaun lng ako nag online.... sensya na medyo busy kamuzta sa mga bago pa add naman po... happy new year everyone
12/28/2007 12:20:28 PMReply | Quote | Spam
wow dami pinoy...bago me d2..pede makisabay?? paano? hahaha
1/11/2008 3:47:52 AMReply | Quote | Spam
Reply
Message:
  characters left
 
  • HTML is allowed in your message.
  •  
    SEARCH CLUBS

    Report Logo
    HOME | PRIVACY POLICY | TERMS OF SERVICE | REPORT CONTENT | CONTACT YUWIE | SPAM
    ©2007-2009 Yuwie.com